Entry: Ang konstelasyong Leo mula sa dagat ko 8.23.2004



ni Charlie Samuya Veric

Ikaw ang hilo na hatid ng along magalaw.
Parang pag-idlip sa ere, parang pagtulog sa tubig:
Ang pagsabog ng tubig sa ere.

Kapag naalala kita, sumisisid ako
Sa kung anong lawa sa kung anong tagong tuktuk
Ng bundok. Hubad na lumalangoy sa kung anong ilog
Sa kung anong tagong lalim ng kuwebang ilog.

Dahil ang pag-isip sa pangalan mo’y pag-amin
Na may lihim na dagat sa aking loob.

At kapag gumalaw ka sa iyong pagtulog
Sa kabilang dako ng mundo, umaalon sa dagat ko.

Nahihilo ako.

   3 comments

marian
August 25, 2004   12:37 AM PDT
 
haay. mga tula talaga. kung hindi sila tama, masakit sila.
Kat
August 23, 2004   12:48 PM PDT
 
True. (:

Si Jang agad naisip ko pagkabasa ko nito. Chaks, chummy.
john
August 23, 2004   12:30 PM PDT
 
da best.

feel ko to, kat. pramis.

napaka senswal. napaka.

para kang nakalutang habang binabasa.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments